^

Dr. Love

Hindi na virgin ang kasintahan

-
Dear Dr. Love,

Bago ang lahat bayaan mong batiin muna kita ng isang pinagpalang araw pati na ang staff ng PSN at mga milyon mong tagasubaybay.

Ang pangalan ko’y Reggie, 29-anyos at binata. Mayroon akong kasintahan at nakatakda na ang aming kasal sa darating na taon. Mahal na mahal ko siya.

Dahil sa labis kong pagmamahal sa kanya ay iginalang ko siya tulad ng isang babasaging kristal. Isang taon kaming magkasintahan at hangga ngayo’y hindi ko siya ginagalaw dahil gusto kong ireserba ito sa gabi ng aming honeymoon.

Kaso, may ipinagtapat siya sa akin kamakailan lang na labis kong ikinabigla. Sabi niya, mabuti raw na malaman ko ito nang maaga kaysa malaman ko kapag kasal na kami. Hindi ako ang unang boyfriend niya. Okay lang sa akin ito pero ang hindi ko matanggap ay naisuko niya ang kanyang pagkadalaga sa una niyang kasintahan.

I felt cheated. Siguro matatanggap ko ito kung noon pa ay sinabi na niya ito sa akin. Pero bakit ngayon lang kung kailan malapit na kaming ikasal? Noon, tinanong ko siya kung may karanasan na siya sa sex at ang sagot niya’y virgin pa siya. Sinungaling pala siya.

Ngayo’y nag-iisip ako kung itutuloy ko ang plano kong pagpapakasal. Tulungan mo ako.

Reggie


Dear Reggie,


Sa panahon ngayo’y hindi importante ang virginity basta’t magiging tapat sa isa’t isa ang babae at lalaking magkasintahan. Maaaring ang pagsisinungaling ay indikasyon ng kawalang katapatan pero hindi naman palagi.

Maaaring may mabigat na dahilan kung bakit nagsinungaling siya sa iyo. Ito’y baka mo siya layuan sa sandaling malaman mo ang totoo. Maybe she loves you that much at ayaw ka niyang mawala sa kanya.

Kung mahal mo siya talaga, kalimutan mo na lang ang nangyari na at patawarin mo siya. Iyan nama’y kung humihingi siya ng tawad at mangangakong magiging tapat sa iyo.

Pero nasa sa iyo ang huling pasya. Buhay mo iyan, pakaisipin mo ang gagawin mong desisyon para huwag kang magsisi.

Dr. Love

BUHAY

DAHIL

DEAR REGGIE

DR. LOVE

ISANG

KUNG

MAAARING

PERO

REGGIE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with