^

Dr. Love

Nagbabagong buhay na ako

-
Dear Dr. Love,

Isang masaganang pagbati sa inyo at sa lahat na bumubuo ng inyong malaganap na pahayagan.

Isa po ako sa libu-libong tagasubaybay ng inyong column at marami na kayong natulungan na gaya kong bilanggo.

Gaya nang nasabi ko na, isa akong bilanggo na ang hatol ay walo hanggang 14 taon na pagkakapiit dahil sa salang homicide. Sa ngayon ay tumutuntong na ako sa pampitong taon sa makipot na sulok ng piitan.

Mahirap lang ang kinagisnan kong pamilya kaya naisipan kong lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran.

Ako po ay taga-San Jose City at isinilang noong June 12, 1974. Nakatuntong lang ako ng high school at hindi na pinalad na makapasok sa kolehiyo.

Ang akala ko noon, tuluy-tuloy na ang aking magandang suwerte sa buhay. Pero nagkamali pala ako. Sa hindi inaasahang insidente, tinangka akong paslangin ng isang grupo. Sinaksak nila ako para patayin matapos harangin sa pag-uwi ko mula sa trabaho.

Pero hindi nangyari ang gusto nila. Nanlaban ako at naagaw ang patalim sa isang miyembro ng grupo at sa pagdidilim ng aking paningin, nasaksak ko ang isa sa kanila.

Umabot ng ilang taon ang paglilitis bago naibaba ang sentensiya.

Ipinagpasa-Diyos ko na lang ang naganap na pangyayari.

Hindi ko sinisisi ang Maykapal sa pangyayaring ito. Marahil may maganda siyang plano para sa akin kaya narito ako ngayon.

Hindi ako nawalan ng tiwala sa buhay. Sa ngayon, naging matibay ako sa mga dumarating na unos ng buhay.

Bunga ng aking pagkabilanggo, iniwanan ako ng babaeng pinakamamahal ko sa buhay. Pero pinatawad ko na siya at naunawaan ko ang kanyang damdamin.

Lahat na hindi ko natutunan sa labas ng bilangguan ay natutuhan ko dito.

Una, nagkaroon ako ng ibayong tiwala sa Diyos at respeto sa kapwa at sa sarili.

Pangatlo, natutuhan kong mahalin ang lahat na taong nakapaligid sa akin at maging kuntento sa lahat ng bagay na kaloob ng Panginoon.

Sa pangalawang pagkakataon, handa na akong magbukas ng pinto ng aking puso sa isang babaeng tatanggapin ako at mamahalin bilang ako.

Sana po, naibigan ninyo ang kasaysayan ng aking buhay at sa pamamagitan ng inyong pitak gusto kong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po at God bless you.

Virgilio Garcia


MSC Bldg. 2 Dorm 218

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776


Dear Virgilio,


Ikinalulugod ng pitak na ito na ang pagkakatalisod mo ay hindi naging daan para magmukmok ka na lang sa isang sulok at sisihin ang lahat dahil sa nangyari sa buhay mo.

Huwag mo ring sisihin ang kahirapan sa pagkakabilanggo mo.

Gaya ng sinabi mo, may mga pangyayari sa ating buhay na nagiging daan sa pagkakamulat sa katotohanan ng buhay.

Ang ganitong panuntunan sa buhay ay mayroong tinatanaw na magandang bunga sa hinaharap.

Ipagpatuloy mo ang paggawa ng kabutihan. Panatilihin mo rin ang kahinahunan para hindi na muling maulit ang pangyayaring hindi mo gustong maganap.

Ang kabutihan ay may sukling kabutihan din kaya huwag kang mawalan ng pag-asang makatagpo ng isang babaeng iibigin ka anuman ang nangyari sa iyo noong mga nakaraang panahon.

Huwag mong kaligtaan ang pagtawag sa Panginoon na siyang nakakaalam sa lahat kung ano ang nakatakda mong kapalaran.

Good luck to you.

Dr. Love

AKO

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DEAR VIRGILIO

DR. LOVE

GAYA

HUWAG

MUNTINLUPA CITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with