Gayuma
March 20, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Good day to you. Tawagin mo na lang akong Ms. Virgo ng Imus, Cavite, born on Sept. 3, 1986.
Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema sa aking lovelife. May crush po ako at lagi ko siyang naiisip araw-araw. Sa trabaho o sa bahay, siya ang laging nasa isip ko. Palagay ko ay halata na niya na may gusto ako sa kanya at sa tingin ko ay may crush din siya sa akin.
Noong Pasko, nag-inuman kami sa bahay ng kaibigan namin at nang malasing yung kaibigan namin, sinabi nito sa crush ko na mahal na mahal ko siya. Mahal din daw niya ako, sabi ng crush ko. Ewan ko lang kung nagbibiro siya.
Pero isang kaibigan namin ang nagsabi na may relasyon sila ng pinsan niya. Ganito rin ang hinala ko.
Ano po ang gagawin ko? Ipagpapatuloy ko pa ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Baka masaktan lang ako kung totoo ang relasyon nila ng pinsan niya. Aalis na siya papuntang abroad at ang sabi niya sa akin ay saka na lang daw niya ako liligawan kasi bata pa ako.
Minsan ay naiisip kong gayumahin siya. Tama ba ito? Ms. Virgo
Dear Ms. Virgo,
Mali ang balak mo na gayumahin siya. Kung totoo na may relasyon sila ng pinsan niya, bakit magpupumilit ka pang mahalin siya?
Bata ka pa at marami ka pang makikitang mas nakahihigit sa kanya. Malilimot mo rin siya lalo pa nga't aabroad pala siya.
In the meantime, asikasuhin mo ang iyong pag-aaral. Magtapos ka at balang araw ay makikita mo rin ang tamang lalaki para sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended