^

Dr. Love

Sinisiraan ng kaibigan

-
Dear Dr. Love,

Hi to all the avid readers of this column. Itago na lamang ninyo ako sa alias na Rina. Gusto ko lamang pong i-share ang problema ko about my lovelife and I know na mabibigyan ninyo ako ng magandang payo.

Naging boyfriend ko po ang ex-boyfriend ng aking kaibigan. Pero bago ko po naman sagutin yung guy ay nagpaalam po sa kanya (kaibigan ko na ex-gf nung guy) yung guy na niligawan niya ako noong nag-break sila dahil ako po talaga ang gusto nung guy.

Natakot lang po siya noong una dahil baka mabasted ko po siya. Inamin po niya sa akin na kaya niya niligawan yung kaibigan ko ay para mapalapit siya sa akin.

Pero binantaan po ako ng kaibigan ko na kapag sinagot ko po yung guy ay magagalit siya sa akin, hinding-hindi na niya ako papansinin at lalayo na siya sa barkada namin. Pinayuhan po ako ng ibang mga kaibigan namin na sundin ko ang gusto ng puso ko. Sinagot ko yung guy at sinabi ko iyon sa aking kaibigan at ang sabi niya ay okey lang at tanggap na daw niya.

Pero ang hindi ko alam ay gumagawa pala siya ng mga paraan para mahalin siya uli ng ex-boyfriend niya na boyfriend ko na ngayon. Bago po ako magbakasyon, nalaman ko sa isang kaibigan namin na sinisiraan ako ng kaibigan ko sa boyfriend ko.

Noong una ay hindi ako naniwala pero napatunayan ko lang ito nang magtanong sa akin ang boyfriend ko kung mayroon akong ibang boyfriend maliban sa kanya. Sinabi kong hindi totoo yun at may gusto lang sumira sa relasyon namin.

Hindi naniwala ang boyfriend ko dahil kaibigan ko raw mismo ang nagsabi. Tinext ko ang kaibigan ko at tinanong ko kung bakit niya sinisira ang relasyon namin ng boyfriend ko. "Mas may kuwenta pa akong maging girlfriend kaysa sa iyo," ang sabi niya sa akin.

Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin. Okey na kami ngayon ng boyfriend ko. Ang problema ko lang ay ang kaibigan ko na naninira sa akin. Magkaklase kami at magkaibigan pa rin hanggang ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Magagalit po ba ako sa kanya o iintindihin ko na lang siya? Rina


Dear Rina,


Huwag na lang ninyong pansinin ang mga sinasabi ng iyong dating kaibigan. Natural na magtanim siya ng galit sa iyo dahil boyfriend mo ngayon ang dating siyota niya.

Walang masama sa relasyon ninyo dahil hindi pa naman sila kasal nang ibaling ng boyfriend mo ang pag-ibig niya sa iyo.

Kung mahal ka ng boyfriend mo, hindi siya maniniwala sa mga paninira ng isang taong may kimkim na galit sa iyo. Kung may matabil na dilang naninira sa iyo, dapat ka pa nga niyang ipagtanggol.

Dr. Love

vuukle comment

AKIN

AKO

BOYFRIEND

DEAR RINA

DR. LOVE

KAIBIGAN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with