Kung mahal mo ako
March 13, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo. Nagpapasalamat po ako sa liham na ipinadala ninyo sa akin at ang mahalagang payong ibinigay ninyo sa problema ng kaibigan ko.
Ngayon po naman, ang sarili kong problema sa puso ang nais kong bigyan ninyo ng solusyon.
Limang taon na po kaming mag-boyfriend ni Leo at inaapura na niya akong pakasal dahil ang pangako ko raw sa kanya ay sa sandaling makatapos ako ng kolehiyo, magpapakasal na kami.
Pero hindi ko po matalikdan ang obligasyon ko sa pamilya ko dahil mayroon pa akong dalawang kapatid na nag-aaral at ako ang tumutulong sa mga magulang ko para makatapos sila.
Sinabi ko po ito sa aking boyfriend pero parang hindi na niya ako gustong unawain.
Ito ang pinagmulan ng aming tampuhan at ngayon ay malamig na nga ang aming relasyon.
Alam ko pong mayroon nga akong pangako sa kanya pero nakikiusap ang dalawa kong kapatid na antabayanan ko na muna hanggang makatapos sila sa loob ng dalawang taon.
Naaawa naman ako sa kanila dahil alam kong ako na lang ang tangi nilang pag-asang makatapos dahil may edad na pareho ang aming mga magulang.
Mahal ko si Leo pero mahal ko rin ang mga kapatid ko.
Hindi ko puwedeng ipagbakasakali ang kanilang kinabukasan sa pangakong kahit kasal na kami, matutulungan ko pa rin sila dahil hindi rin naman nakakaluwag ang sariling pamilya ni Leo.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Nalilito na po ako. Celina
Dear Celina,
May obligasyon ka sa pamilya mo at ito ang nakakahadlang sa maganda ninyong relasyon ng boyfriend mo.
Kung mahal ka niya, mapagtitiyagaan pa niyang hintayin ninyo na makatapos ka sa tungkulin mo sa pamilya bago kayo pakasal.
Tunay na hindi mapanghahawakan ang pangakong tulong sa pamilya kahit kasal na kayo dahil siyempre, pag may sarili ka nang pamilya, ito ang unang bibigyan mo ng atensiyon.
Subukan mo ring ihanap ng sariling mapagkikitaan ang dalawa mong kapatid para makatulong din sila sa gastos sa kanilang pag-aaral.
Higit na magiging maligaya ka kung tapos na ang obligasyon mo sa pamilya bago harapin ang pansariling obligasyon.
Maaaring naiinip lang ang bf mo kung kayat inaapura ka na niya. Pero mauunawaan ka rin niya kung talagang mahal ka niya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am