^

Dr. Love

Matigas ang puso ng bf ko

-
Dear Dr. Love,

Una po sa lahat, isang magandang araw sa inyo at sa lahat na mambabasa ng PSN.

Sana, manatili pong malaganap ang column ninyo na talaga namang nakakatulong ngmalaki sa tulad kong may problema sa puso.

Kailangan ko po ang payo ninyo sa problema kong ito na hindi ko na makayanang lutasin nang ako lang.

Ako po ay 23 years old, isang care giver na nakatakda nang mangibang bansa para doon magtrabaho.

Ang suliranin ko, hindi ko alam kung dapat ko pang ipagpatuloy ang aking relasyon sa isa kong kababata na tutol sa aking pag-alis.

Lumaki ang problema nang mabalitaan kong mayroon na siyang niligawang iba at ngayon ay nagkakamabutihan na sila.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong makahakbang nang malayu-layo at humanap ng mabuting pagkita para mapaghandaan ang aming kinabukasan.

Noong una, ang akala ko ay pinagseselos lang niya ako kaya palagi siyang nagbababad sa bahay ng isa naming kaibigan.

Ang akala ko, naghihinga lang siya ng sama ng loob dahil hindi nga niya ako mapigil sa pag-alis.

Ang matwid ko naman, hindi naman ako magtatagal dahil tatlong taon lang ang aking kontrata.

Pero nagmatigas siya at ayaw ko ng boy friend na diktador at walang tiwala sa nobya.

Dapat ko pa po ba siyang kausapin? Dapat ko pa po ba siyang suyuin uli tulad ng dati?

Masama ang loob ko sa kanya. Alam ng aking mga magulang ang aking problema at ipinababahala na lang nila sa akin ang paglutas ng problema ko sa puso. May pahintulot naman ako sa kanila na umalis para maghanap-buhay sa ibang bansa.

Matigas ang puso ng bf ko at tila wala siyang tiwala sa aking katapatan.

Hangad ko po ang maaga ninyong katugunan sa liham na ito.

Mely


Dear Mely,


Salamat sa liham mo at ganap na nauunawaan ng pitak na ito ang dahilan mo sa pangingibang bansa.

Maaaring insecure lang ang boyfriend mo kung kaya’t tutol siya sa pag-alis mo. Pero hindi ito basehan para talikuran ka na lang niya nang walang sabi-sabi at ang niligawan pa ay kaibigan ninyong dalawa.

Kailangan mo pa rin siyang kausapin nang masinsinan para pormal na alamin kung ano na ang score ng relasyon ninyo.

Kung ano ang alam mong makabubuti para sa iyo at sa pamilya mo, ito ang sundin mo. Bihirang pagkakataon ang magkaroon ng magandang empleyo para maiangat ang buhay ng pamilya sa kasalukuyang katayuan.

Iba rin ang may natipong salapi ang isang babae para makapagsimula sa pagpapamilya sa sandaling mag-asawa na.

At mas maluwag ang isip mong mag-asawa kung alam mong nakaluluwag na ang buhay ng pamilya mo na dati ay ikaw lang ang inaasahan.

Sa isang relasyon, kailangan ang unawaan at pagbibigayan para manatili ang apoy ng pagtitinginan.

Dr. Love

AKING

AKO

ALAM

DAPAT

DEAR MELY

DR. LOVE

KAILANGAN

LANG

PARA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with