Lesbian love affair
August 29, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Tawagin na lamang ninyo akong Jackie, ipinanganak noong Dec. 5, 1976. Nagkaroon po ako ng relasyon sa kapwa ko babae--si Nicole. Nangyari po ito noong 2000 habang kami ay magkasama sa trabaho.
Alam kong mali ang aming relasyon. Hindi rin kami nagtagal dahil lagi kaming nag-aaway. Natatakot akong ipakita ang totoong feelings ko para sa kanya dahil alam kong bawal ang aming relasyon sa mata ng Diyos.
Feb. 14, 2002, nakipagkalas siya sa akin. Nalungkot ako pero hindi gaanong nasaktan. Bumabalik siya pero nanatili na lamang kaming magkaibigan. Lahat ng mga ginagawa niya ay sinasabi niya sa akin. Minsan, may nasabi siya na pinsan niyang babae na may asawa na at nagkakagusto raw sa isang babae. Niloko ko siya na baka siya yung babae at hindi yung pinsan niya.
Nagalit siya sa akin at sinabi niya na kung sakaling magkagusto siya sa isang lalaki ay ipakikilala niya sa akin. Pero ako lang daw ang mamahalin niya habambuhay. Binigyan niya ako ng singsing pero para sa akin ay friendship ring lang iyon.
Dumating ang time na nalaman kong ang ikinukuwento niyang pinsan niya na nagkakagusto sa isang babae ay siya. Sa pagkakataong ito, nasaktan ako. Siguro ay dahil mahal ko pa rin siya. Sabi ko ay hiwalayan niya yung babae. Hindi raw niya kaya dahil mahal niya yung babae. Nagalit ako at ibinalik ko ang lahat ng mga ibinigay niya sa akin pati na yung singsing.Nagalit siya at pinagsalitaan ako nang masasakit.
Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil nakaiwas na ako sa ganoong klaseng pagkakasala? Hindi ko matanggap na mawawala na siya sa akin kahit bilang kaibigan lang. Tulungan po ninyo ako at pagpayuhan. Wala po akong ibang mapagsasabihan ng problema ko. Ngayon ay hindi na niya ako tinatawagan pero lagi ko pa rin siyang naaalala.
Jackie
Dear Jackie,
Nalaman mo nang mali ang makipagrelasyon sa kapwa mo babae. Batid mong itoy imoral sa mata ng Diyos at tao.
Nagka-break kayo, good. Nagkabalikan bilang magkaibigan, good. Pero ngayong may ibang babae siyang karelasyon, nasasaktan ka, bad. Ibig sabihin, umiiral pa rin ang erotic love para sa kanya sa iyong puso. Forget it. Better yet, iwasan mo na lang siya at maging abala sa ibang bagay. Associate with friends of the opposite sex at baka matagpuan mo ang isang tunay na lalaking iibigin mo upang malimutan ang iyong lesbian relationship.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended