^

Dr. Love

Ang problema ni Jeannie

-
Dear Dr. Love,

First of all, a pleasant day to you and all the members of the PSN staff.

Just call me Jeannie ng Iloilo. I am 21 years old.

Nais ko pong itanong kung masama bang sumama ako sa bahay ng bf ko na mabait naman at mapagkakatiwalaan? Iginagalang niya ako bilang babae at ipinakilala na niya po ako sa kanyang mga magulang at sa mga kapatid niya.

Wala pong problema sa mga kapatid niya at nagustuhan din nila ako. At isa pa po, gusto na nilang mag-asawa na siya dahil may edad na ang bf ko. Siya po ay 29 years old na kaya hindi sila tutol sa relasyon naming dalawa.

Pero sa panig ko naman, masamang-masama po ang loob ng kuya ko at auntie pati mga kaibigan ko dahil po nauna pa raw akong pumunta sa bahay ng aking boyfriend kaysa aming bahay.

Dr. Love, naguguluhan po ako sa kanila. Sino po ba ang susundin ko sa kanila? Mahal ko ang boyfriend ko at ayaw ko siyang mawala sa akin. Pero ang kuya ko, ayaw niyang mag-asawa ako na malayo sa mga magulang namin. Ayaw ko rin pong mag-asawa sa aming lugar.

Pinababalik po ako ng nanay ng bf ko sa kaarawan ng kapatid ng bf ko. Ano po ang dapat kong gawin? Pagbibigyan ko po ba ang kahilingan ng nanay ng bf ko kahit magagalit ang kapatid ko? Ano po ang gagawin ko?

Pagpayuhan po ninyo ako dahil gulung-gulo na po ang isipan ko. Sana matanggap ko ang payo ninyo bago mag-October 18, 2000.

God bless you always and more power to all the staff of PSN. Thank you in advance.

Lubos na gumagalang,

Jeannie


Dear Jeannie,


May katwiran ngang magalit ang kuya mo at iba pang kamag-anak at kaibigan dahil walang respetong ipinakita ang bf mo sa pamilya mo.

Hindi maiaalis ng kahit na mga moderno na ang pananaw ng ating kabataan sa maraming bagay, pagdating sa pagbibigay-respeto sa nakatatanda, hindi ito dapat na kalimutan.

Dapat sana, pinuntahan ka ng boyfriend mo sa bahay ninyo at nagpakilala siya sa kuya at auntie mo. Iniingatan ka nila dahil sa kanila ka ipinagkatiwala ng mga magulang mo na nasa probinsya.

Kung kukumbidahin ka ng boyfriend mo, dapat ipinagpapaalam ka niya sa kanila para palagay ang kalooban nila at alam nila kung saan ka hahanapin sakali’t hindi ka umuwi.

Huwag kang magagalit sa kuya mo, gayundin sa iyong auntie dahil nasa kargo ka nila habang wala ka sa poder ng iyong mga magulang. Inilalagay lang nila sa lugar ang mga bagay-bagay.

Makabubuting sabihan mo ang iyong bf na magpakilala sa kuya mo at auntie. Wala namang masama doon dahil kilala ka nga ng pamilya ng iyong nobyo pero hindi naman kilala ng kuya mo ang kasintahan mo.

Sana maunawaan mo ito.

Dr. Love

AKO

ANO

DAHIL

DEAR JEANNIE

DR. LOVE

JEANNIE

KUYA

PERO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with