^

Dr. Love

Ang bilis ng tugon ng Panginoong Hesus

-
Dear Dr. Love,

Matagal na po ang problema ko hinggil sa hindi magandang pakikitungo ng dalawa kong mga anak sa isa’t isa. Ang panganay ko ay lalaki at ang bunso ay babae. Hindi maayos ang kanilang turingan bilang magkapatid. May kaunti lang pagkakamali, nagsisipagpunaan na sila. Para bagang mga aso at pusa. Hindi sila puwedeng magtabi.

Nang makausap ko ang isa sa mga counselors sa Christ the Living Stone Fellowship, hiniling ko sa kanya na ipanalangin ang aking dalawang anak na magmahalan sila bilang magkapatid. Karagdagan sa kahilingan ko na sana ay ma-release na ang inuutang ko sa GSIS.

Ipinanalangin niya ang aking mga kahilingan sa aking harapan. Makaraan ang tatlong linggo, nagkita kaming muli. Sinabi ko sa kanya na napakabisa ng kanyang panalangin dahil sinagot agad ng Diyos.

Nagkabati na ang aking mga anak. Hindi na sila nag-aaway. Bukod dito ay na-release na rin ang aking loan sa GSIS. Sa maikling panahon, sinagot agad ng Diyos ang kahilingan ko sa pamamagitan ng counselor na ito.

Sinabi sa akin ng counselor na ang lahat ng kasagutan sa panalangin ay galing sa Panginoong Hesu Kristo. Si Hesus lang ang dapat na pinupuri higit kanino man. Totoo ang kanyang sinabi.

Severino Samonte

ex-PNA executive director

Novaliches, Q.C.

(Kung nais ninyong makatanggap ng mga pagpapala, kagalingan, kalutasan sa mga suliranin o anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at 533-5179 at hanapin ang CLSF counselor.)

BUKOD

CHRIST THE LIVING STONE FELLOWSHIP

DIYOS

DR. LOVE

IPINANALANGIN

PANGINOONG HESU KRISTO

SEVERINO SAMONTE

SI HESUS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with