^

Dr. Love

Handa ka bang magtiis?

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Sumulat po ako sa inyo dahil sa aking problema sa pag-ibig. Mayroon po akong kasintahan at tawagin na lamang natin siyang Mr. Security. Mahal ko po siya at ayaw kong mawala siya sa akin. Pero ewan ko ba kung bakit sa kanya pa ako umibig. Dahil sa labis kong pagmamahal sa kanya, tiniis ko ang lahat ng mga paghihirap na ibinigay niya sa akin. Alam mo Dr. Love, mahirap siyang pakibagayan. Lahat ng aking lakad ay pinakikialaman niya. Hinihigpitan din niya ako sa aking pakikipagkuwentuhan kahit na sa mga kaibigan ko lalo na sa mga lalaki. Pinagseselosan din niya pati pinsan ko.

Bakit kaya ganito ang ipinakikita niya sa akin? Minsan ay tinatanong ko siya kung bakit siya ganoon at ang sabi niya ay dahil mahal daw niya ako. Nagtataka ako kung bakit ganito siya magmahal. Ganito ba ang tunay na pag-ibig?

Please help me, Dr. Love. Thank you and God bless.

Lady Aries



Dear Lady Aries,


Ang mga tao’y may kanya-kanyang ugali. Ugaling hindi natin maunawaan at hindi puwedeng kuwestiyonin.

Kung tunay ang pagmamahal mo sa isang tao, dapat mong tanggapin anuman ang kanyang ugali.

Nguni’t handa ka bang magtiis? Kung kayo’y makasal at magsasama habambuhay, puwede mo ba siyang pakibagayan?

Iyan ang pakaisipin mo nang sa gayo’y hindi ka magsisi sa dakong huli.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

BAKIT

DAHIL

DEAR LADY ARIES

DR. LOVE

GANITO

HINIHIGPITAN

LADY ARIES

MR. SECURITY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with