^

Dr. Love

Huwag agad magtiwala

-
Dear Dr. Love,

Hi! How are you? Hope you are doing fine. I want your advice kasi mayroon akong penpal. Isa siyang Amerikano. Gusto niya akong dalhin sa kanila at doon daw kami magpapakasal. Tapos ay magpapakasal din daw kami dito sa Pilipinas pagbalik namin dito.

Dapat ba akong sumunod sa gusto niya o dito na lang muna kami magpakasal?

Please give me an advice as soon as possible.

Gemini


Dear Gemini,

Kung minsan ay mahirap magtiwala lalo na sa taong pagsasanlaan mo ng iyong puso.

Marami nang kaso ng mga kababaihang Pinay na napahamak sa pagsama sa kanilang foreigner na boyfriend sa ibang bansa. Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa "mail order brides?" Kunwa’y mga dayuhan na naghahanap ng mga Pilipinang kanilang pakakasalan.

Marami tayong kababayan na dahil sa karalitaan ay kumakagat sa pain. Pero pagsapit nila sa ibang bansa’y ginagawa lang silang prostitutes o katulong.

Hindi naman lahat ng mga dayuhan ay ganyan. Pero paano kang makasisiguro na hindi ka balak gawan ng masama ng ka-penpal mo?

Kilalanin mo muna siyang mabuti at pinakamabuti kung dito kayo sa Pilipinas ikakasal. Kung mahal ka niya, walang dahilan para tumutol siya.

Dr. Love

vuukle comment

AMERIKANO

DAPAT

DEAR GEMINI

DR. LOVE

ISA

KILALANIN

KUNWA

MARAMI

NABALITAAN

PERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with