Huwag kang bulag, Diana
December 4, 2000 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Nais ko kayong batiin ng isang magandang araw. First time ko pong sumulat sa inyo. Gusto ko sana na tulungan mo ako kung anong gagawin ko dahil pumasok po ako sa relasyon na hindi ko dapat ginawa. May nakilala ako, si Jerry, isang pulis dito sa aming probinsiya. Una ko pa lang kita sa kanya ay crush ko na siya.
Palagi siyang nandito sa aming school. Duty niya pag MWF at masaya ako kapag nakikita ko siya. Alam mo Dr. Love, marami na akong naging boyfriend at nanliligaw sa akin pero inisplitan ko nang dahil kay Jerry. Binibigyan niya ako ng pera. Ayaw ko sana pero tinanggap ko rin dahil gipit ako at maraming projects kaming ginagawa. Fourth year high school ako. Pero nalaman ko na may asawa siya. Kung mag-usap kaming dalawa ay sikreto, Dr. Love.
Sikreto ang relasyon namin at walang nakakaalam. Alam ko pong mali pero hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Ang gusto ko sa kanya ay mabait, matulungin at practical sa buhay. Alam ko pong may gusto siya sa akin dahil ang sabi niya ay mahal niya ako.
Ano po ang gagawin ko? Sana ay bigyan mo po ako ng advice kung ano ang gagawin ko. Hanggang dito na lamang at inaasahan ko ang inyong sagot.
Thanks and more power!
Diana
Dear Diana,
Kahit mahal na mahal mo siya, dapat mo siyang limutin. Ilagay mo ang sarili mo sa katayuan ng misis niya. Ano ang mararamdaman mo kung pagtataksilan ka ng iyong asawa?
Binubulag ka lamang ng iyong atraksyon sa kanya. Marahil guwapo siya o malakas ang dating. Pero ang attraction ay lumilipas pagdating ng araw.
Pagpalagay nating iniwanan niya ang misis niya at kayo ang nagsama. Paano mo matitiyak na ang ginawa niya sa sarili niyang asawa’y hindi niya gagawin sa iyo?
Hindi naman kayo ubrang pakasal dahil kasal siya sa misis niya. At kung ang babaeng pinakasalan niya’y maaari niyang iwanan, ano pa kaya ang isang "kabit" lamang?
Kaya mag-isip ka, Diana. Ikaw ang lalabas na kontrabida sa buhay ng pamilyang iyong sisirain.
Huwag kang padidikta sa iyong puso. Bagkus, gamitin mo ang iyong isip. Isipin mo ang future at hindi lamang ang kasalukuyan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended