^

Dr. Love

Problema ni Vicky

-
Dear Dr. Love,

Ako po si Vicky Rinas, 30 years-old, pangalawa sa limang magkakapatid. Walong taon ako nang maulila sa ina kaya marami na rin akong nadaanan na mga pagsubok sa buhay. Nandoong nagiging nanay ako sa mga kapatid ko. Panganay kasi ako sa babae. Bata pa lang ako ay namamasukan na ako kaya sa dami ng iniintindi ko at naging problema ko sa buhay ay lumaki ako na hindi nakaranas ng katulad ng ibang mga dalaga na nag-enjoy sa pagkadalaga nila. Iba ang katayuan ko noon kaya halong takot at pangamba ang laging nasa isip ko. Isa pa ay takot din ako sa mga boss ko kaya umabot ako sa gulang ko ngayon na dalaga pa. Kaya sana sa pagliham kong ito sa inyong pitak ay magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Thirty to 40 years-old ang gusto kong susulat sa akin at maging kaibigan.

Maraming salamat po and God bless you.

Vicky Rinas
13 Apollo I St., Talon V,
Moonwalk Village,
Las Piñas City 1747


Dear Vicky,


Naniniwala ako na may mga taong isinisilang upang manatiling single for the rest of their life.

Mayroon nga na pagkagaganda subalit tumatandang-dalaga. Hindi ko naman sinasabing nakalinya ka para tumandang-dalaga. Kaya lang, manalangin kang mabuti at humingi ng direksyon sa Panginoon.

If God wills it, ipagkakaloob niya sa iyo ang hangarin ng iyong puso na magkaroon ng kasintahang magiging kabiyak mo in the future.

Okay makipag-penpal pero kung minsa’y may kaakibat itong panganib dahil hindi mo agad makilatis ang pagkatao ng iyong sinusulatan.

Gayunman, pauunlakan ko ang kahilingan mo lakip ang dalanging huwag ka sanang makatagpo ng lalaking oportunista.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

APOLLO I ST.

DEAR VICKY

DR. LOVE

IF GOD

KAYA

LAS PI

MOONWALK VILLAGE

TALON V

VICKY RINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with