Marcos nagluksa sa pagpanaw ng aide-de-camp

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ng kanyang aide-de-camp na si Major Ma. Joshua P. Santiago, isang sundalong inilarawan niyang matapang, maaasahan, at mabuting tao.
“We mourn the passing of Maj. Ma. Joshua P. Santiago, a brave soldier who fought for our country with dedication and honor,” saad ng Pangulo sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Marcos, sa panahon ng paglilingkod ni Santiago bilang kanyang aide-de-camp ay nakilala niya ito bilang isang opisyal na may tapang at dedikasyon.
“In the time he stood by my side as my Aide-de-Camp, I came to know a soldier of courage, an officer I could depend on and, above all, a good man,” dagdag pa ng Pangulo.
Nagpaabot din siya ng panalangin para sa pamilya at mga kapwa sundalo ni Santiago.
“Our prayers are with his family and fellow soldiers. Fair winds and following seas, Jam. It was my privilege to have you by my side,” ani Marcos.
- Latest

























