Pilandok, napanatili ang lakas

MANILA, Philippines — Napanatili ni Bagyong Pilandok ang kanyang lakas habang nananatili sa Philippine Sea sa silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa ulat ng PAGASA kahapon.
Alas-11 ng umaga, huling namataan si Pilandok sa layong 1,160 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Halos stationary ang galaw ng bagyo.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 70 kph.
Ngayong Martes, Setyembre 1, inaasahang lalakas pa si Pilandok bilang isang tropical storm.
Sa Miyerkules, Setyembre 2, inaasahang hihina ito at muling magiging tropical depression.
Inaasahang hindi magla-landfall si Pilandok at mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas.
Inaasahang lalabas ng PAR si Pilandok pagsapit ng Miyerkules, Setyembre 2.
- Latest





















