PANOORIN: National ID dapat gawing requirement sa SIM registration?
MANILA, Philippines — Nanawagan si PNP Anti-Cybercrime Group Director Maj. Gen. Wilson Asueta sa mga mambabatas na amyendahan ang SIM Registration Act.
Aniya, kabilang ang posibleng paggamit ng iisang identification document gaya ng National ID bilang requirement sa pagpaparehistro ng SIM card.
Kasunod ito ng entrapment operation sa Bulacan na humantong sa pagkakaaresto sa isang 26-anyos na lalaki na umano’y nagbebenta ng registered SIM cards sa social media.
Ayon sa mga awtoridad, nakumpiska sa operasyon ang 400 registered SIM cards.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa SIM Registration Act of 2022 kaugnay ng Cybercrime Prevention Act.
Iginiit ni Asueta na kailangang higpitan ang proseso ng SIM registration upang maiwasan ang paggamit ng mga registered SIM sa ilegal na gawain online.
- Latest























