Petrolyo may bawas presyo ngayong September 1

MANILA, Philippines — Maganda ang pasok ng Setyembre para sa mga motorista. Ito ay dahil inianunsiyo na ng Department of Energy (DOE) na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes, na unang araw ng Setyembre.
Sa abiso ng DOE nitong Lunes, ang presyo ng diesel ay may tapyas ng hanggang P3.83 kada litro.
Ang gasolina naman ay magkakaroon din ng pagbaba, bagamat kakarampot lamang sa halagang P0.32 kada litro.
Ang presyo ng kerosina ay inaasahang matatapyasan din ng P3.84 kada litro.
Ang pinal na paggalaw ng mga presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay iniaanunsiyo tuwing araw ng Lunes, at ipinaiiral kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest





















