PANOORIN: Voting threshold sa impeachment ni VP Sara, puwedeng magbago?
MANILA, Philippines — Hindi dapat awtomatikong manatili sa 16 boto ang conviction threshold sa impeachment ni Vice President Sara Duterte kung may mga senador na hindi makalahok sa paglilitis, ayon kay retired Chief Justice Artemio Panganiban.
Sa tanong ni Senator-judge Erwin Tulfo, sinabi ni Panganiban na maaaring magbago ang threshold depende sa bilang ng mga senador na legal na makakalahok sa impeachment proceedings.
Binigay niyang halimbawa ang sitwasyon kung saan limang senador ang mamatay at tatlo ang mag-resign, na mag-iiwan ng 16 senador. Sa ganitong sitwasyon, aniya, hindi makatwiran na kailanganin ang lahat ng 16 boto para sa conviction.
- Latest



















