^

PSN Opinyon

Pilitin n’yong mapauwi si Zaldy Co sa bansa!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA paglutang nitong 18 Marines kuno na pangunahing source ni Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Rodante Marcoleta sa hearing-hearingan sa Senado, pangunahing tema nito ay itong male-maletang datung na inihatid kuno ng mga dating security personnel ni dating congressman Rizaldy Co, tahasang iniwal-wal ng mga ito ang mga nasa minority na ngayon ay majority bloc na tumanggap umano ng mga kickback sa Flood Control Project ng Department of Public Works and Highways.

Nagbigay ito ng kalituhan sa mga kumakalam na sik­mura na mga Pilipino, kasi nga sa pag-uunawa ng madlang pipol sa mga iwinawal-wal ng mga Marines kuno, aba’y si Co ang tanging kasagutan sa mga pinangangalandakan nila na nagkamal ng milyun-milyong datung. Kaya’t kung may malasakit itong grupo ni Cayetano sa mga Pilipino aba’y nararapat na gumawa sila ng pamamaraan na mapabalik si Co sa bansa upang itong mga alingasngas na nagiging topic sa kanilang moro-morong blue ribbon investigation ay magkaroon ng kalinawan upang ang kalituhan ng madlang pipol ay maibaling sa kanilang grupo dahil siguradong mai-tutuga nga ng puganteng Tongressman este Kongressman kung paano nagkaroon ng sabwatan sa Insertion ng Budget na naging masalimuot sa pagkahati-hati ng mga senador sa senado. Get n’yo mga suki?

Kasi nga kung puro na lang dakdak, hanggang kailan ito mabibigyan ng kasagutan. Sa ngayon kasi naging ‘battle ground’ itong session hall ng Senado dahil walang perme­nanteng Senate President at ang masakit nito, maraming batas o bills ang natetengga dahil nga sa pagkawatak-watak ng mga senador. Hindi naman kinikilingan nitong aking mga kausap ang Minority na ngayon ay Majority bloc na dahil sa totoo lang ang tinutumbok nitong kaguluhan diyan sa lide­rato at committee chairmanship ay itong nakatakdang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte. Pinipilit na guluhin ng ilang kapanalig ni Duterte itong hanay ng mga Senador upang mapigilan ang impeachment trial na magsisimula na sa darating na Hulyo. Kitang-kita naman kasi ng sambayanan na gumagawa na mga mga dirty tactics itong mga kapanalig ni VP Duterte upang maligwak muli sa senado itong napipintong impeachment trail nga. Hehehe!

Mukhang may katuwiran itong mga kuro-kuro ng mga ‘Marites ng Bayan’ sa kinikitaan nila na pambabaraso ng ilang sakim sa kapangyarihan na mga senador. Hehehe! Kasi nga kung lumilingon ito para sa kredibilidad ng Senado dapat lamang na palutangin nila itong si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Senado at harapin ang mga akusasyon sa kanya matapos na iligwak ng supreme Court ang kanyang apela. Hehehe!

Ang masakit, sa pagtakas kasi ni Bato sa kustodiya ng Senado, naibulid sa kahihiyan ang kredibilidad ng mga senador na sumuporta sa pagpatakas kay Bato. Kaya’t habang hindi naipapalutang itong si Co at Bato, walang katausan itong banggaan at bangayan ng mga pulitiko lalong lalo na diyan sa Senado. Kaya’t ang hamon ng sambayanan, pagtulong-tulongan na ninyong maibalik sina Co at Bato. Dahil ang susi sa kaguluhan diyan sa Senado ay itong 2 puganteng dapat na maisalang sa masusing imbestigasyon upang mapanagot sa kanilang mga kasalanan. Abangan!

ZALDY CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with