^

Pang Movies

Kris may strike 2 pa ang pagbubunganga, James dedma pa rin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris may strike 2 pa ang pagbubunganga, James dedma pa rin!
Kris

Hindi pa pala tapos ang pasabog ni Kris Aquino sa ex-husband na si James Yap at may part 2 pa. Nag-post na naman siya ng bagong litanya kahapon at mukhang galit na galit pa rin siya.

Nag-post ng picture quotation si Kris na ganito ang nakasaad: “Bullshit can’t break you if you don’t let it. A Queen knows how to build her empire with the same stones that were thrown at her.”

Sa mahabang caption ni Kris, isa sa ni-raise niya ay kung nasaan daw si James nun’g time na na-bully si Bimby ng isang broadcaster na hindi man niya tinukoy ay alam naman nating si Jay Sonza ito.

“Did you really think i would back down? I know how to survive & conquer. i got STRONGER, WORKED HARDER, and now if you disrespect me or my sons when i’ve done you no harm- i’m fighting back. Freedom of speech is a 2 way street. And I’M NOT DONE...

“What made me want to puke were the lines “i miss you and think about you everyday.” and “But i want you to know i will always be here for you.”

“NASAAN KA NUNG BINULLY SI BIMB NUNG DATIHANG BROADCASTER, na hindi naman umuubra ang pagsisipsip kay PRRD, NUNG TINAWAG NYANG BAKLAIN AT LAMPA ANG ANAK MO?

“When you never once made an effort to defend your son in any manner you showed what kind of man you are...

“Ganito ka simple- mismong si CRISTY FERMIN na kulang na lang isuka ang pagkatao ko sa mahabang panahon NAGAWAN NG PARAAN NA IPAGTANGGOL SI BIMB dahil bullying of an innocent child ang naganap at ikaw walang pakialam na nanahimik- hindi ako magagalit bilang nanay sa pagka fake ng salita mo? Never ko kayong pinakialaman kaya lang namihasa ka na dahil nga akala mo tatahimik na lang ako...

“Sorry hindi na ko takot ma bash. Karangalan kong sampal sampalin ng mga salita sa ngalan ng pakikipaglaban para sa mga anak ko. Pansinin nyo po, lahat ng pambabastos sa pagkatao ng pamilya namin napalagpas ko- dahil lahat kami nasa tamang edad at sanay sa buhay pulitika. Kailan ba ko naglalabas ng galit? Kapag mga anak ko na ang ginagamit at pinagmumukhang may mali sa kin bilang ina.

“Dahil sabihin nyo na ang lahat BUT MY SONS ARE LIVING PROOF that they are being raised with the love of a warrior queen,” ang mahabang post ni Kris.

Akala pa naman namin ay lumamig na ang ulo ni Kris sa ginanap na story conference ng comeback movie niya sa Star Cinema last Friday dahil nag-post pa siya ng pasasalamat that night sa magagandang blessings na natatanggap niya.

‘Yun pala ay may strike 2 pa. As we write ay wala pa ring sagot si James sa mga litanya ni Kris.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with