House panel pinagpaliban ang Barangay at SK polls
MANILA, Philippines — Lumusot kahapon sa Kamara ang panukala na pagpapaliban ng barangay at Sanguniang Kabataan elections sa Oktubre mula Mayo.
Sa botong 14-2 ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni CIBAC partylislt Rep. Sherwin Tugna ang pagpapaliban ng nasabing eleksyon at sa botong 17-0 naman ay inaprubahan ang pagtatakda sa ikalawang Lunes ng Oktubre para ganapin ang Barangay at SK elections.
Ang dalawang mambabatas na hindi pabor sa pagpapaliban ng elections ay sina ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio at Caloocan City Rep. Edgar Erice.
- Latest