Wala pa ring katapat si Manny Pacquiao
MANILA, Philippines — Bagama’t unti-unti nang lumilipas ang lakas at bilis ni Manny Pacquiao sa nakaraang mga taon ay nananatili pa rin siyang walang kapalit kung paramihan ng world boxing belts ang pag-uusapan.
Nagkampeon ang 5-foot-6 1/2 na boksinge-ro sa walong magkakaibang weight divisions -- flyweight, super bantamweight, featherweight, super featherweight, lightweight, light welterweight, welterweight at light middleweight.
At siya lamang ang professional boxer na nakagawa nito.
Ngunit noong Hulyo 2 ay naisuko ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight title kay challenger Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
Nakita ang kakulangan sa training ni Pacquiao dahil sa pagkakahati ng kanyang oras bilang Senador bukod pa ang height advantage ng 5’9 na si Horn.
Bagama’t may nakasaad na rematch clause sa kanilang kontrata kung saan tanging sa Australia lamang ito maaaring gawin ay hindi ito ginamit ni Pacquiao para makabawi kay Horn.
Noong Nobyembre 23 ay ipinaramdam ni Pacquiao ang kanyang interes na labanan si UFC superstar Conor McGregor sa isang boxing match sa susunod na taon.
Ito ay matapos ipos-te ng Filipino world eight-division champion sa kanyang Twitter at Instagram ang litrato ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at nagrerelaks.
Ito ay nilagyan ni Pacquiao ng caption na: “Happy Thanksgiving @TheNotoriousMMA Stay fit my friend. #realboxingmatch #2018.”
Noong Agosto ay pinasuko ni Floyd Mayweather, Jr. si McGregor, tumanggap ng premyong $30 milyon, sa tenth round para sa kauna-unahang boxing match ng pambato ng Ireland.
Bago pa man ang nasabing laban ay sinabi ni Pacquiao sa isang pana-yam na maaari rin niyang labanan si McGregor sa ibabaw ng boxing ring.
Wala pang reaksyon ang Irish fighter sa naturang paramdam ni ‘Pacman’.
Samantala, sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na hindi isang tunay na professional boxer si McGregor kaya bubugbugin lamang ni Pacquiao ang MMA star sakaling maplantsa ang kanilang boxing fight.
“If we equate boxing with fighting -- because I’m not talking about his ability as an MMA participant because he has been very good with that -- Conor McGregor can’t spell fight,” wika ni Arum sa panayam ng CBS Sports sa isang episode ng “In This Corner” podcast.
Sa isang panayam ay inamin ng 41-anyos na si Mayweather na sadya niyang inalalayan si McGregor para masabik ang mga fans sa kanilang laban.
“Everybody is trying to protest the Mayweather-McGregor fight but I’m going to tell y’all the truth. You know I carried McGregor. You know I made it look good for y’all,” ani Mayweather.
Ngunit para kay Arum, tiyak na pababagsakin ni Pacquiao si McGregor.
“Mayweather carried him before he took him out. With Manny, it wouldn’t be a contest, it would be a money grab,” sabi ni Arum. “Conor McGregor is not a boxer and does not know how to box. His stance is a stance of an MMA fighter who has to protect against kicks and takedowns. He is not competitive with any fighter no matter how old that fighter is.”
Umaasa si chief trainer Freddie Roach na mangyayari pa rin ang rematch nina Pacquiao at Horn sa susunod na taon bago tuluyang isabit ng 39-anyos na Filipino legend ang kanyang boxing gloves.
Sina IBF flyweight king Donnie ‘Ahas’ Nie-tes, IBF light flyweight ruler Milan Melindo at IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas ang kasalukuyang kampeon ng bansa.
- Latest