Abarrientos taglay na ang ‘NSD’ spirit vs Ginebra
MANILA, Philippines — Isa lang ang sinabi ni coach Tim Cone sa Barangay Ginebra nang ibaon ng Magnolia sa isang 22-point deficit.
“Sabi ni coach Tim, ‘NSD, Never Say Die’. Kailangan naming ipakita ang best namin sa crowd,” sabi ni rookie guard RJ Abarrientos. “Special ito for the Ginebra team. Special din for me kasi this is my first time playing in a Manila Clasico.”
Bumangon ang Gin Kings mula sa nasabing pagkakalugmok para takasan ang Hotshots, 95-92, tampok ang buzzer-beating three-point shot ni Scottie Thompson sa kanilang ‘Christmas Day Clasico’.
Si Abarrientos ang isa sa mga nagbalik sa laro sa Ginebra sa third period bukod kay import Justin Brownlee.
Tatlong mahalagang three-point shots ang isinalpak ng pamangkin ni PBA legend Johnny Abartientos sa nasabing yugto.
“Na-encourage kami kasi Christmas. Lahat gustong manalo sa Christmas. Lahat gustong umuwing panalo,” sabi ng 24-anyos na si Abarrientos.
Magbabalik sa court ang Gin Kings sa Enero 5 katapat ang San Miguel Beermen.
- Latest