Seth, sa eroplano nagkumpisal kay Francine
Nagtapat na ng kanyang tunay na nararamdaman si Seth Fedelin para kay Francine Diaz. Nanggaling umano sa isang out of town show ang tambalan ng FranSeth nang umanin ang aktor sa dalaga. “Nasa eroplano po ‘yon, magkatabi ng upuan tapos nakinig kami ng music. Isa kami ng earphones. Tapos nakikinig kami ng OPM songs. Tapos sinabi ko sa kanya, ‘Kapag nakikita kita, kapag nasa taping ka…” nakangiting bungad sa amin ni Seth sa Fast Talk with Boy Abunda.
“Sabi niya, Alam mo ba crush kita?’ Tapos sabi ko, ‘Jino-joke mo lang ako eh.’ Tapos tawa siya nang tawa. Tapos sabi ko, ‘Bakit mo ako crush?’ Tapos sabi niya, ‘Eh kasi kapag nakikita kita sa taping, lumiliwanag ‘yung mundo ko, lumiliwanag ‘yung araw ko, sumasaya ako. Parang ang gaan-gaan mo kausap.’ Parang ‘di raw ako makabasag pinggan, sabi niya. Tapos sabi ko ‘Mawawala rin ‘yan,’ ‘Yon na ang end of story,” natatawang kwento naman ni Francine.
Ayon kay Seth ay talagang ipinararamdam niya kung gaano kamahal si Francine. “Alam niyang mahal ko siya. Ang pagmamahal, ang daming klase ng pagmamahal. Alam n’yo na ‘yon. Merry Christmas,” masayang pahayag ng binata.
Marami ang nagsasabing ang tambalan nina Francine at Seth ang sumusunod sa mga yapak nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Para kay Francine ay malaking karangalan na maikumpara ang FranSeth sa tambalang KathNiel. “Unang-una po sa lahat, Tito Boy, nakakataba po ng puso ‘yan somehow, na ma-compare ka. Hindi po namin sila maaabot kahit kailan, iba po sila. Iba po si Ate Kathryn at Kuya DJ. Isa rin po sa pinapaliwanag at kinaklaro namin sa lahat ng tao na kahit kailan po, hindi namin sila ginaya. Isa po ‘yon sa madalas na sinasabi sa amin. Especially kay Seth, na kinokopya ‘yung lahat (kay Daniel). Thank you nakikita nila ‘yung gano’n sa amin. Hindi naman namin ‘yon pinapasok sa isip namin, ‘Oh dapat magmukha tayong si Ate Kath or Kuya DJ. Kung ano po ang nakikita n’yo sa amin ni Seth, what you see is what you get.” paliwanag ng aktres.
Inamin naman ni Seth na naging problema niya ang palaging pagkukumpara ng mga tagahanga sa kanilang dalawa ni Daniel. “Si Ate Kath at Kuya DJ, sobrang hinahangaan ko ang KathNiel sa kung ano man ang narating nila. Naging balakid po ‘yan sa akin talaga, aaminin ko na. Sa lahat po ng shows ko, iniiwasan ko pong kumanta ng kanta ni DJ. ‘Yung mata ko po sensitive sa ilaw, binawasan ko rin pong magsalamin. Kasi bakit kapag ako ang nagsasalamin, ang daming namba-bash? Pero kapag iba ang nagsalamin, okay lang. ‘Yon ang nakapagtataka eh, bakit ‘pag ako kumanta ng ganito, bash. Pero kapag iba ang kumanta, wala namang bashing, pinupuri nila. Bakit ako bina-bash n’yo? So naging balakid po siya sa akin. Kahit saan ho ako magpunta, naririnig ko ho siya. Sa akin po, malabo eh. Jusko naman! Alam naman natin kung ano ‘yung narating at naiambag nila sa showbiz. Hindi po biro, mahirap po ‘yan. Iba ang narating nila, iba rin ang mararating namin. At iba po ang gusto naming puntahan, para po malinaw,” giit ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest