Higit 600 tauhan ng MMDA, ikakalat sa SONA
MANILA, Philippines - Mahigit sa 600 mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang itatalaga bukas sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa director ng traffic enforcement ng MMDA na si Roy Taguinod, nasa 645 MMDA personnel ang kanilang itatalaga kabilang dito ang mula sa mga towing, road emergency group, rescuers at street sweepers.
Sila ang unang itinalaga sa SONA at sila rin ang huling aalis pagkatapos nito, dahil bukod sa magmamatina sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko maglilinis rin ng mga naiwang kalat ng mga nagsagawa ng kilos protesta ay kanilang mga street sweepers.
Bilang bahagi pa rin nang paghahanda, maglalagay sila ng plastis barriers sa mga kalsada para magsilbing gabay ng mga motorista.
Bukod sa pagtatalaga ng kanilang mga personnel, magpapatupad din sila ng re-routing scheme, na una ng inabiso ng ahensiya para sa kaalaman na rin ng mga motorista kung ano ang mga lugar na dapat iwasan para hindi maabala sa kanilang pupuntahan.
- Latest