Magtiyuhing politiko hindi sangkot sa illegal drugs - NDF
MANILA, Philippines – Matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local executives na sangkot sa ilegal na droga ay agad na nilinaw ng National Democratic Front (NDF) sa Eastern Visayas na hindi sangkot sa kalakalan o anumang gawain may kinalaman sa iligal na droga sina Northern Samar Rep. Edwin Ong at tiyuhin na si Northern Samar Gov. Jose Ong.
Ayon kay NDF-Eastern Visayas Spokesman, Father Santiago “Ka-Sanny” Salas, walang katotohanan at walang basehan ang mga alegasyon ng pagkakasangkot sa iligal na droga ng mga Ong sa Northern Samar. Hindi rin umano sila magbubulag-bulagan kung totoong may kinalaman ang mga ito dahil kagyat silang magsasagawa ng kaukulang aksiyon.
Umaasa ang NDF na ngayong nakapagpalabas na sila ng opisyal na pahayag ay tuluyan nang matutuldukan ang mga alegasyon laban sa gobernador at sa mambabatas.
Matatandaang una na ring ideneklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 8 sa Eastern Visayas ang mga Ong na walang kinalaman sa illegal drug activities at posibleng may bahid pulitika ang pagsasangkot sa kanilang mga pangalan.
- Latest