Bawas-presyo sa petrolyo, ipinatupad
MANILA, Philippines – Muli na namang nagpa-tupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ngayong araw na ito ng Martes (Nobyembre 24).
Sa abiso kahapon ng Pilipinas Shell, bumaba ng P0.60 sa kada litro ang kanilang gasolina, P0.80 kada litro sa kerosene habang P0.45 naman sa diesel o krudo.
Samantalang sa Petron Corporation ay bumaba ng P0.75 kada litro ang kanilang gasolina, P0.50 sa diesel habang P0.80 din sa kerosene.
Nabatid na ang bawas presyo ay epektibo ngayong araw ng Martes, Nobyembre 24 ng taong kasalukuyan, alas-12:01 ng madaling-araw.
Ayon kina Ina Soriano, ng Pilipinas Shell at Raffy Ladesma, ng Petron Corporation, ang ipinatupad na rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa world market.
Asahang susunod na ring mag-aabiso para sa oil price rollback ang ilan pang oil companies na may kahalintulad na halaga.
Matatandaan, na noong nakaraang Martes, Nobyembre 17, sa kasagsagan ng APEC summit, nagpatupad ng huling rollback ang nabanggit na mga kompanya ng langis.
- Latest