^

Metro

Clearing operations sa Mabuhay Lanes, tuluy-tuloy- MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang APEC Summit, tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtutuluy-tuloy ang ginagawa nilang “clearing operations” sa 17 Mabuhay Lanes na magagamit naman ngayong “Christmas Lanes” upang alternatibong ruta naman laban sa inaasahang pagsisikip ng trapiko sa Kamaynilaan ngayong Pasko.

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na mu­ling nagsagawa ng paglilinis ang Task Force Mabuhay Lanes laban sa mga obs­truksyon sa mga kalsada sa kabila pa rin naman ng pabalik-balik na mga vendors at mga nakaparadang sasakyan.

Maaari pa umanong madagdagan ang 17 Mabuhay Lanes ngayon depende kung may mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na lalapit sa kanila at mag-aalok ng lugar na maaaring isama at magbibigay na rin ng tulong para sa clearing operations sa kanilang nasasakupan.

Ito ay makaraan na may magmungkahi na magkaroon rin ng parte ng Mabuhay Lanes sa bandang Southern Metro na karugtong ng South Luzon Expressway o Cavitex.

Muling nanawagan ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan na ngayong Kapaskuhan ay gawing mo­delo ang Mabuhay Lanes sa pagpapaluwag sa kanilang mga kalsada dahil sa inaasahang pag-usbong ng mga tianggehan na sinasakop ang mga bangketa at bahagi ng kalsada na may basbas ng lokal na gobyerno na isang uri ng pagkakakitaan.

Sinabi pa ni Carlos na nakatulong ang proyekto nila sa Mabuhay Lanes sa awareness ng publiko laban sa mga obstruksyon sa kalsada dahil sa sari-saring reklamong natatanggap nila ngayon ukol sa mga kalsada na talamak ang mga vendors, illegal par­king, illegal terminals, na hindi inaaksyunan ng mga lokal na pamahalaan na nakakasakop sa mga lugar partikular ang mga opisyal ng barangay.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

CHRISTMAS LANES

LANES

MABUHAY LANES

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

SINABI

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTHERN METRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with