^

Punto Mo

‘One time big time operation’ ng PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kabi-kabila ang isinasagawang “One Time Bigtime Operation “ ng PNP partikular sa mga distrito ng pulisya sa Metro Manila.

Sa isinagawang operasyon ng Southern Police District (SPD) at Manila Police District (MPD) noong nakaraang linggo, aabot sa daan-daang katao ang kanilang naaresto.

Ang mga ito  ay napag-alamang sangkot sa ibat-ibang kaso.

Ang karamihan dito wanted sa batas na pakalat-kalat lang pala sa kung saan at ang iba naman ay naaktuhan sa mga illegal na aktibidades partikular ang sangkot sa droga.

Dahil rin dito nakasamsam ang mga awtoridad ng mga illegal na droga, mga baril at mga sasakyang gamit sa mga krimen.

Inaasahang isasagawa rin ang ganitong bigtime operation sa iba pang distrito ng pulisya.

Matindi kasi ang utos ni PNP Director General Ricardo Marquez na pababain ang antas ng kriminalidad sa bansa partikular nga sa Metro Manila. Isabay pa umano rito na solusyunan ang mga naganap ng krimen.

Kaya nga walang puwang dito na ikatwiran na dahil sa pumasok na ang ‘ber months’ ay inaasahan na ang pagtaas ng mga krimen partikular ang mga petty crime dahil sa nalalapit na  holiday seasons.

Kung inaasahan na nga ng  ating kapulisan ang mga gagawing pag-atake sa ganitong mga panahon ng mga kawatan at kriminal, dapat na nga nila itong mapaghandaan.

Totoong malaking bagay ang pagkalat ng mga pulis o pagpapalakas sa police visibility, pero mas makakatulong kung sasabayan nga ito ng mga police operation na katulad ng ganito para hindi na  makaporma ang mga masasamang loob.

Malaki ang inaasahan ng ating mga kababayan sa kapulisan lalu na sa panahong ito, at ang ganitong mga uri na nakikitang ginagawa ng pulisya ay kahit papaano ay nakapagpapawala sa kanilang mga pangamba . Malaking bagay ang katulad ng ganitong operasyon para kung hindi man tuluyang masawata , eh mabawasan man lang ang paglaganap ng krimen.

Mukhang epektibo ang ganitong mga operasyon, pero sana eh huwag lang one time, dapat laging bigtime at tuloy-tuloy.

Isa pa nga rito, hindi lang mga pulis ang dapat na tumutok sa ganitong pagbabantay, kundi dapat itong masimulan sa lebel ng barangay.

Todo bantay lang kailangan, para hindi malusutan ng mga kawatan.

ANG

DAHIL

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

GANITONG

INAASAHANG

ISA

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

MGA

ONE TIME BIGTIME OPERATION

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with