^

Bansa

Pag-freeze sa P183M ari-arian ni Jinggoy pinagtibay ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Sandiganbayan Fifth Division ang freeze order sa P183 milyong ari-arian ni Sen. Jinggoy Estrada na sinasabing kickback umano niya mula sa P10 bilyong pork barrel scam.

Sa resolusyong inilabas ng anti-graft court, sinasabing walang “counterbond” na inihain ang kampo nito at wala ring merito ang mga argumento nila kaya walang dahilan para alisin ang kautusan.

Aprubado ang reso­lusyon ng lahat ng tatlong justices ng Fifth Division.

Sa orihinal na reso­lusyon, sinabi ng Sandiganbayan na may ‘sufficient ground’ para ipa-freeze ang assets ni Estrada base sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ipinasara ng naturang senador ang apat nitong bank accounts nang pumutok ang eskandalo.

Sa apela ni Estrada, binanggit niya na hindi ito sapat na ebidensya dahil ipinasara niya ang mga ito bago pa lumabas ang garnishment petition sa assets niya.

 

ACIRC

ANG

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

APRUBADO

ESTRADA

FIFTH DIVISION

JINGGOY ESTRADA

KINATIGAN

NIYA

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with