^

PM Sports

Hernandez, Cordova abot na sa P1M ang kinita

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumasok na sina Jonathan Hernandez at Jordan Cordova sa mga hinete na

pumalo na sa isang mil­yong kita matapos ang buwan ng Mayo.

May naiuwi nang P1,317,980.79 si Hernandez mula sa 211 sakay na kinatampukan ng 58 panalo, 33 segundo, 35 tersero at 22 kuwarto puwesto para malagay sa ikalimang posisyon.

Si Cordova ang ikaa­nim na hinete na naging milyonaryo sa taong ito
nang umabot na sa P1,032,606.14 ang napanalunan sa 261  takbo na may 55
panalo, 34 segundo, 27  tersero at 15 kuwarto puwesto.

Una pa rin si Jessie Guce pero nakadikit na si Fernando Raquel Jr. para sa inaasahang mahigpitang labanan tungo sa pangunguna sa hanay ng mga hinete.

May P1,689,253.11 premyo sa 453 takbo si Guce bitbit ang 71panalo, 69 segundo, 55 tersero at 64 kuwarto puwesto habang si Raquel ay nasa dikit na
ikalawang puwesto sa P1,637,168.84 premyo.

May 306 karera pa lamang ang sinalihan ni Raquel pero siya ang nangunguna sa paramihan ng panalo sa 79 bukod pa sa 44 segundo, 34 tersero at 35
kuwarto puwesto.

Si Mark Alvarez ang nasa ikatlong puwesto sa P1,562,590.73 premyo matapos ang sa 387 takbo (69-61-40-47) kasunod ni Pat Dilema na mayroong P1,453,678.86 sa 298 takbo (69-51-43-35).

Ang baguhang hinete na si JD Juco ang nasa ikapitong puwesto na may
P834,588.87 kita sa 215 takbo (31-34-30-24) bago sinundan ni Dominador Borbe Jr. na may` P824,228.51 sa 237 takbo (31-34-30-24), ang baguhan pang si JL Paano na may P798,596.78 sa 251 takbo (33-33-32-27) at Jeff Bacaycay sa P723,759.47 sa 246 takbo (26-32-47-42).

Si John Alvin Gu­ce na naihatid ang kabayong Kid Molave sa panalo sa first
leg ng Philracom Triple Crown Championship sa buwan ng Mayo ay nasa ika-16 na puwesto tangan ang P582,528.66 panalo matapos ang 73 takbo (20-14-9-6). (AT)

vuukle comment

DOMINADOR BORBE JR.

FERNANDO RAQUEL JR.

JEFF BACAYCAY

JESSIE GUCE

JONATHAN HERNANDEZ

JORDAN CORDOVA

KID MOLAVE

PUWESTO

TAKBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with