20 Pinoy inaresto sa Spain
MANILA, Philippines - May 20 Pinoy ang umano’y inaresto sa sunud-sunod na pagsalakay ng Spanish authorities dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking sa Spain.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Charles Jose, nakikipag-koordinasyon na ang Embahada ng Pilipinas sa Madrid upang beripikahin ang ulat at aalamin na rin ang kanilang pagkakakilanlan, kasama na ang kanilang immigration at labor status.
Ayon sa report, may 42 katao kabilang umano ang 20 Pinoy ang hinuli sa serye ng drug raid ng Spanish Police sa mga lungsod ng Madrid, Barcelona at Murcia sanhi ng pagkakakumpiska ng may 17.6 pounds ng crystal meth o kilalang “ice†o shabuâ€.
Kabilang sa mga nadakip ang 19 Spanish nationals at tatlo mula sa African countries.
Hinihinala ng pulisya na ang mga naaresto ay miyembro ng dalawang drug trafficking syndicates kung saan ang isa ay nagpapanggap at front lamang umano ang car import-export business.
Dahil dito, muling nanawagan ang DFA sa mga Pinoy na umiwas sa mga hinihinalang miyembro ng international drug ring na nag-aalok ng malaking halaga kapalit ng pagiging drug courier upang makaiwas sa parusang bitay.
- Latest