^

Pang Movies

Sarah at Matteo, pinaplano ang pagsasama!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah at Matteo, pinaplano ang pagsasama!
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

Noon pa ay nasabi na nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na ayaw nilang magsama sa isang pelikula together. At mukhang hanggang ngayon ay ganito pa rin ang stand nila.

Sa panayam ng ABS-CBN sa celebrity couple ay natanong sila tungkol dito at pabirong sagot ni Sarah, “meron kami dapat gawin pero baka sa 2050 namin gagawin.”

Dagdag pa niya, “may tamang time sa lahat… Nasa planning stage.”

Ayon pa sa kay Sarah, okay naman sa kanya ang magbalik-pelikula basta right material.

“As you grow older you become more choosy and careful with the kind of roles you portray. We are messengers already…. But given the right material go ako anytime,” aniya.

Well, matagal nang hinihiling ng AshMatt fans na magsama ang mag-asawa sa isang pelikula kaya kung matutuloy ito, tiyak na ikakatutuwa ito ng kanilang supporters.

Barbie at Jak, pinag-uusapan na ang kasal!

“Opo” ang sagot ni Barbie Forteza nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung napag-uusapan na ba nila ni Jak Roberto ang kasal.

Seven years na rin ang relasyon ng JakBie at matibay na matibay pa rin ang relasyon nila.

When asked kung paano nila nasu-sustain ang kanilang relasyon, sey ni Barbie, “ang la­king factor po kasi na ang mature mag-handle ng relationship ni Jak.”

Na-tolerate raw ng boyfriend ang ugali niya. May pagka-Alpha (strong and successful woman) raw siya pero napapatiklop daw siya ng isang Jak Roberto.

Sa tanong naman kung ano ang most challenging sa 7 taon nilang relasyon, ani Barbie ay quality time lalo na nga nang magsimulang maging successful ang loveteam nila ni David Licauco at naging busy siya.

“Nakaramdam ako ng konting guilt towards him coz I have to admit, hindi naman ‘to parang bago na I had to set him aside kasi nag-pick up ang BarDa,” sey ng aktres.

Pero bilib daw siya kay Jak dahil napaka-supportive and understanding nito.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with