Lead actor ng serye, alagang-alaga ng boylet
Napapansin ng mga kasama sa series ang unti-unting pagkaroon ng laman sa katawan ng lead actor na matagal nang pinagsususpetsahan sa showbiz na kloseta!
Eh sa tagal ng aktor sa showbiz, walang nabalitaan na may karelasyon itong babae eh guwapo at mayaman naman!
Kaya naman ‘yung mga Marites na kasama ng aktor sa trabaho, itsinitsismis na may nag-aalaga sa kanyang boylet!
Kasi may umbok na ang dibdib nito na hindi naman masasabing muscles!
Marami rin ang nakabalita na may boylet si aktor pero magaling siyang magtago kaya hindi nabubuking!
Naku, maraming kagaya ni aktor sa showbiz, huh!
Date ni Barbie kay Jameson, scripted
Wild virgin ang deskripsyon ni Barbie Forteza sa Regal movie niyang Saving Cherry.
Barkadahan movie ito directed by Ivan Payawal at ang mga lalabas na tropa ni Barbie ay sina Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio at Sassa Gurl.
Base sa trailer ng movie, may problema si Barbie sa ‘asawa’ niyang ginampanan ni Khalil Ramos na nahuli niyang nagtsi-cheat sa kanya!
Of course, wala pang ipinakikilalang bagong boyfriend si Barbie after Jak Roberto. Eh ‘yung mga bonding nila ni Jameson Blake eh wala namang katotohanan.
Sa Sept. 2 mapapanood ang kakikayan at husay ni Barbie sa Saving Cherry.
Master... ni Dingdong, extended
Bakasyon-grande ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ibang bansa.
August 2 ang birthday ni Dong habang ngayong Aug. 12 din ang birthday ng asawang si Marian Rivera.
Tapos na nina Dong at Yan ang movie nilang Remember na balita namin eh sa November na ilalabas.
Nag-advance taping din ang GMA Primetime King ng series niyang The Master Cutter na humahataw sa rating kaya balitang magtatagal pa ito sa ere, huh!
Happy, happy birthday, Dong!
- Latest























