^

PM Sports

UST buhay pa sa asam na titulo

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanatiling buhay ang tsansa ng University of Santo Tomas na makapasok sa Final Four matapos ang dominanteng  panalo kontra Adamson University, 76-63, kagabi sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapos ng Growling Tigers ang elimination round na kinahon ang four-game winning streak at ilista ang 8-6 karta para makapuwersa ng playoff para sa ikaapat at huling puwesto sa semifinals.

Makakaharap ng España-based squad ang mata­talo sa pagitan ng defen­ding cham­pion La Salle at Far E­astern University sa Sabado.

Naghabol ng apat na puntos, 32-36 ang UST sa halftime, pero biglang lumiyab ang kanilang opensa, lumapa ang Growling Tigers ng 31-12 atake sa third quarter upang makuha ang kontrol at pumasok sa hu­ling yugto na tangan ang 63-48 na kalamangan.

Tinapos ng Adamson ang kanilang kampanya na may 5-9 kartada, mas mababa ng isang panalo kumpara sa kanilang 6-8 na pagtatapos noong nakaraang season.

Samantala, napigilan ng Ateneo de Manila University ang huling pag-arangkada ng University of the East upang sikwatin ang 86-81 panalo para sa isang marangal na pagtatapos sa emosyonal nilang kampanya sa UAAP.

Laglag ang Ateneo sa ikaanim na puwesto ta­ngan ang 6-8 karta.

 

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with