^

PSN Palaro

Lady Strikers nagpasolido sa semis bonus sa MPVA

Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Pina­lakas ng Bacoor ang tsansa para sa semifinals bonus matapos ang 25-20, 27-25, 25-23 pagwalis sa Negros sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Season 1 kahapon dito sa Quezon Convention Center.

Itinaas ng Lady Stri­kers ang kanilang baraha sa 9-2 para palakasin ang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa women’s regional volleyball tourney na itinatag ni dating Senator at MPBL chairman Manny Pacquiao.

Bagsak ang Lady Blue Hawks sa 4-7.

Solo ng Bacoor ang third spot sa ilalim ng Quezon (10-1) at Rizal (10-3)  sa nine-team upstart volleyball league.

Humataw si middle blocker Winnie Bedana ng 12 points para sa Lady Strikers.

Matapos kunin ng Bacoor ang 2-0 abante ay sumandal naman ang Neg­ros kina Cosme, Lopez, Marjorie Orpilla at Jehiel Moraga para agawin ang 20-19 bentahe sa third set.

Itinabla ni Bustamante ang Lady Strikers sa 21-21 patungo sa 24-23 kalamangan.

Ang matulis na palo ni Bedana ang tuluyan nang tumapos sa Lady Blue Hawks sa torneong suportado ng mga sponsors na Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mikasa at Gerflor kasama ang mga broadcast partners  na MPTV at Outcomm at inorganisa ng Volleyball Masters of the Philippines.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with