Vlogger na pulis, sumuko; sasailalim sa neuro test

MANILA, Philippines — Handa na umanong sumailalim sa neuro- psychiatric test ang viral cop na si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas kasunod ng kanyang patungo sa Quezon City Police District (QCPD) kahapon.
Batay sa inilabas na statement ng QCPD, bandang alas-11 ng umaga kahapon nang magreport si Fontillas sa QCPD at nagpaliwanag sa kanyang ginawang post sa social media.
Matatandaang nagpost ng kanyang saloobin si Fontillas gamit ang facebook kung saan binabatikos ang administrasyong Marcos at Philippine National Police (PNP) hinggil sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pag-aresto kay Duterte ay bunsod naman ng kasong crime against humanity na isinampa laban dito ng mga pamilya ng biktima sa war on drugs.
Ayon sa QCPD, bilang bahagi ng requirements para sa Return to Active Duty, sasailalim si Fontillas sa medical check-up at Neuro-Psychiatric examination.
Nagpahayag din umano ng pagsisisi si Fontillas sa kanyang ginawa at nangako na hindi na uulitin pa.
Tiniyak naman ng QCPD na pananatilihin nila ang propesyonalismo, disiplina at susunod sa batas ng PNP.
- Latest