^

Metro

Pulis protektor ng POGO, binalaan ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis protektor ng POGO, binalaan ng PNP
Ito ang babala ni Phi­lippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil kasunod ng pagkakadiskubre ng mga POGO hubs sa Region 3.
AFP

MANILA, Philippines — Mapapatawan ng disciplinary action ang mga pulis na mapapatunayang­ protektor ng operasyon ng illegal POGOs (Phi­lippine Offshore Gaming Operators) sa bansa.

Ito ang babala ni Phi­lippine National Police  (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil kasunod ng pagkakadiskubre ng mga POGO hubs sa Region 3.

“Integrity and accoun­tability are the cornerstones of our public service. We remain committed to ensuring that our officers uphold these values,” ani Marbil.

Ayon kay Marbil, hindi dapat nasasangkot ang mga pulis sa anumang illegal activities.

Aniya, pinaigting nila ang kanilang monitoring at kampanya laban sa illegal POGOs na nagresulta  ng matagumpay na police operations sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Dagdag pa ni Marbil­, mino-monitor na rin nila ang iba pang mga pro­bin­siya na mga operas­yon ng POGO.

Matatandaang pina­ngunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Cybercrime Group (ACG) ope­rasyon upang buwa­gin ang  naglipanang  POGO operations sa bansa.

Pinuri ni Marbil ang CIDG at ACG sa kanilang accomplishment na indikasyon na may sapat na kakayahan ang PNP na lumutas ng mga sensiti­bong kaso na kinasasangkutan ng mga sindikato.

Pagtitiyak ni  Marbil, pananatilihin ng  PNP ang  peace and order sa iba’t ibang bahagi ng  bansa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with