^

PSN Opinyon

Enjoy lang ang maging wais (wise), iwasan ang maging foolish

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malalim na pag-unawa, ang “wise” o “wais” sa Tagalog ay hindi lamang matalino. Ang taong wais ay madiskarte, may foresight - hindi nagkukulang, may dalang “extra”, may gawa.

Ang kabaliktaran ng wais ay “foolish”:

TAN G. A., ika nga; may kulang, walang diskarte. Walang baon. Walang extra. Walang gawa.

At ‘yan ang Ebanghelyo ngayon: Mateo 25:1-13, ang Ta­linghaga ng Sampung Dalaga. Lima ang wais, lima ang foolish.

Bakit na-late ang limang foolish? Kasi walang baon na la­ngis. May lampara nga, wala namang extra oil. Umalis pa para bumili, pagbalik nila, sarado na ang pintuan. Sabi ng Lalaking Ikakasal: “Hindi ko kayo kilala.”

Parang Katoliko na puro simba pero walang dalang extra. May rosaryo, pero walang gawa. May dasal, pero walang puso. May lampara, pero walang langis.

Sa buhay at sa pamilya, ganito rin. Ang wais, hindi lang madiskarte sa pera, madiskarte rin sa langit. May foresight at may puso. Nag-iipon hindi lang ng pera, kundi ng kabutihan.

Ang foolish, kulang sa diskarte, kulang sa foresight, kulang sa gawa. Laging “bukas na lang.” Laging “mamaya na magdasal.” Laging “saka na magpatawad.” Pero sa langit, walang “mamaya na.”

Papaano tayo mamaging wais? Magdala ng extra oil. Tatlo ang ilaw natin:

Pakikipag-isa (Communion) — Extra oil ng dasal. Huwag lang Sunday Christian. Araw-araw, kahit 5 minuto, kausapin si Lord. Ang wais, laging naka-charge kay Lord.

Pakikibahagi (Participation) — Extra oil ng pagtulong. Hindi lang taga-upo sa simbahan. Tumulong sa kapitbahay, makinig sa katahimikan ng kalikasan, dumalaw sa may sakit. Ang wais, hindi lang nanonood, nakikilahok.

Misyon (Mission) — Extra oil ng pagpapatawad at pagbabahagi. Ibahagi ang liwanag mo. Magpatawad kahit mahirap. Mag-sorry kahit ikaw ang tama. Yan ang pinaka-mahal na langis.

Kaya Enjoy lang!

Paalaala: Ang wais, makakapasok sa langit. Ang foolish, walang plano, maiiwan sa labas.

Magdasal po tayo: Panginoon, gawin N’yo po kaming wais, hindi lang sa mundo, kundi sa langit. Tulungan N’yo po kami na magdala ng extra oil sa aming lampara - ng dasal, pagtulong, at pagmamahal - para po sa Inyong pagdating, bukas ang pinto at makapasok kami sa Iyong piging. Amen.

Enjoy lang, mga kapatid! Tara na, magbaon tayo!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with