^

Bansa

VP Sara, mister may P4.4-bilyong transaksyon

Malou Escudero, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, mister may P4.4-bilyong transaksyon
Vice President Sara Duterte
AFP / Jam Sta. Rosa

Idinetalye ng AMLC exec

MANILA, Philippines — Aabot sa P4.4 ­bilyong transaksyon ang naglabas-pasok (inflow at outflow) sa mga account nina Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio mula 2007 hanggang 2025.

Sa ika-33 araw ng paglilitis, iniharap ni private prosecutor Atty. Mae Divinagracia si Anti-Mo­ney Laundering Council (AMLC) Executive Director Atty. Ronel Buenaventura bilang testigo upang suportahan ang Article II ng impeachment complaint na tumutukoy sa umano’y “unexplained wealth” ni VP Duterte.

Sa pagtatanong ni Divinagracia kay Buenaventura, lumabas na may kaugnayan ang mag-asawa sa 666 co­vered transaction reports (CTR) at 55 suspicious transaction reports (STR) na isinumite sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ayon kay Buenaventura, si Duterte ay may 373 CTR at 34 STR na may kabuuang halagang P3.73 bilyon, kabilang ang P1.41 bilyong inflow, P1.06 bil­yong outflow, at P1.26 bilyong mga transaksyong hindi maikategorya kung pumasok o lumabas na pondo.

Samantala, si Carpio naman ay naiuugnay sa 363 CTR at 30 STR na may kabuuang halagang P749.9 milyon, na binubuo ng P220 milyong inflow, P249.9 milyong outflow, at P279.9 mil­yong hindi maikategor­yang transaksyon.

Ipinaliwanag ni Divinagracia na matapos alisin ng AMLC ang magkakaparehong entries sa joint accounts ng mag-asawa upang maiwasan ang dob­leng pagbibilang, uma­bot sa P4.400 bil­yon ang netong kabuuang transaksyon. Kabilang dito ang P1.63 bilyong inflows, P1.31 bilyong outflows, at P1.46 bilyong hindi maiklasipikang mga transaksyon.

Binusisi rin ng prosekusyon ang ilang malalaking transaks­yon sa joint account nina Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa BPI, kabilang ang P9.1 milyong over-the-counter cash withdrawal noong Abril 8, 2013 at isa pang transaksyong nagkakahalaga ng P9.78 mil­yon noong Marso 9, 2011.

Ayon sa prosekusyon, ang mga datos ay mula sa mga ulat ng mga bangko at iba pang financial ins­titutions na isinumite sa AMLC at iniharap bilang bahagi ng ebidensiya sa impeachment trial ng Bise Presidente.

Binusisi rin ng pro­secution ang umano’y P319 milyong remittance mula sa China na ipinadala sa Cale88 Foods Corporation, isang kumpanyang may kaugnayan kay Carpio.

“Money from China poured into a food manu­facturing company of her husband,” ani Divinagracia.

DUTERTE

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with