^

Bansa

1-2 bagyo, papasok sa PAR ngayong Nobyembre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1-2 bagyo, papasok sa PAR ngayong Nobyembre
Ayon sa PAGASA, ang mga bagyong pumapasok sa bansa tuwing Nobyembre ay karaniwang nagla-landfall sa Bicol Region, Eastern Visayas, o Caraga Region.
pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines — Inaasahang may isa hanggang dalawang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Nobyembre.

Ayon sa PAGASA, ang mga bagyong pumapasok sa bansa tuwing Nobyembre ay karaniwang nagla-landfall sa Bicol Region, Eastern Visayas, o Caraga Region.

Tinataya rin ng PAGASA na maa­aring dumaan ang mga bagyo ngayong buwan sa Visayas patungong Palawan o tumawid sa Gitnang Luzon. Gayunman, nananatili ang posibilidad na lumiko ang mga ito pabalik o tuluyang lumihis nang hindi tumatama sa kalupaan.

Sinabi rin ng PAGASA na makararanas ang malaking bahagi ng bansa ng mas mababa sa normal hanggang lubhang mas mababa sa normal na rami ng pag-ulan ngayong Nobyembre 2026. Maliban dito ang Davao City, Davao del Norte, at Agusan del Norte, kung saan inaasahan ang malapit sa normal na kondisyon ng ulan.

Mula naman Disyembre 2026 hanggang Enero 2027, inaasahang makakaranas ang buong bansa nang mas mababa sa normal hanggang lubhang mas mababa sa normal na pag-ulan.

Tinataya ng PAGASA na hanggang apat na bagyo ang maaaring pumasok sa PAR sa pagitan ng Disyembre 2026 at Enero 2027, habang dalawa o higit pa mula Enero hanggang Abril 2027.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with