^

Bansa

MNLF: ‘Di namin kinakanlong si Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MNLF: ‘Di namin kinakanlong si Bato
Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Moro National Liberation Front (MNLF)-Sema faction ang kumakalat na impormasyon na umano’y kinakanlong o pinoprotektahan nila si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa isinagawang kampanya kontra ilegal na droga noong ­administrasyong Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupong pinamumunuan ni MNLF Chairman Muslimin Sema, dating alkalde ng Cotabato City at da­ting labor minister ng Bangsamoro Transition Authority, na pawang espekulasyon lamang ang mga ulat na nasa kanilang kustodiya ang dating Philippine National Police (PNP) chief.

“The claim that the MNLF may be protecting him is speculation, not a confirmed fact,” ayon sa pahayag ng MNLF-Sema faction sa opisyal nitong Facebook page.

Si Dela Rosa ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga ng nakaraang admi­nistrasyon. Nauna ring inanunsyo ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang paglalaan ng P50 milyong pabuya para sa kanyang ikaaaresto.

Binigyang-diin ng MNLF-Sema faction na bagama’t may naging ugnayan ang kanilang da­ting founder na si Nur Misuari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi ito sapat na batayan upang sabihing pinoprotektahan nila si Dela Rosa.

Samantala, nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ipatutupad nito ang anumang kautusan ng korte laban sa senador, habang nakahanda ring tumulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatupad ng batas.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with