^

Bansa

40.7 milyong bumisita sa mga sementeryo sa bansa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
40.7 milyong bumisita sa mga sementeryo sa bansa
Families gather at the Manila North Cemetery on November 1, 2026 to remember loved ones who have passed away, bringing flowers and lighting candles in observance of All Saints' Day.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umabot sa 40.7 milyong katao ang dumagsa sa mga sementeryo, memorial park, at columbarium sa buong bansa mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 bilang paggunita sa Undas 2026, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., umabot sa 40,740,246 ang naitalang bisita sa 5,311 sementeryo at memorial park hanggang alas-6 ng ­umaga ng Nobyembre 2. Sa bilang na ito, 1,695,440 ang naitala noong Nob­yembre 2 lamang.

Patuloy namang naka-deploy ang mga pulis sa mga sementeryo at iba pang mataong lugar upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtugon sa mga emergency. Nasa 6,499 ipinagbabawal na kagamitan ang nakum­piska, kabilang ang mga patalim, alak, lighter, si­garilyo, vape at iba pang mada­ling magliyab na materyal.

Sinabi ni Nartatez na nananatiling nakahanda ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang dumadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Pinayuhan din niya ang publiko na ma­ging mapagmatyag, bantayan ang mga bata at ingatan ang kanilang mga personal na gamit.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with