^

PSN Opinyon

Anong gagawin ‘pag may nerbyos? Sintomas ng nerbyos:

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

l Mabilis na tibok ng puso o palpitations, pagpapawis at panginginig ng mga kamay, paninikip ng dibdib at hirap­ sa paghinga, pagkahilo o pakiramdam na matutumba, pama­manhid o pangingisay ng mga kamay at paa, pananakit ng ulo o pananakit ng tiyan.

l Matinding takot o pakiramdam na may paparating na panganib. Hirap mag-focus o mag-concentrate, hindi mapa­kali o tensiyonado, hirap makatulog (insomnia).

Malaking tulong ang pagkonsulta sa Psychiatrist (doktor sa utak at pag-iisip) at clinical psychologist sa gobyernong ospital.

Ang mga paraan ng gamutan ay upang mapakalma ang iyong isip at katawan.

l Deep Breathing

l Distraksyon: Maglakad-lakad sandali, makinig ng kal­madong musika, o makipag-usap sa isang kapamilya.

l Uminom ng Maligamgam na Tubig.

l Maglakad-lakad.

l I-relax ang Muscle: Isa-isahing i-relax ang mga balikat, panga, at mga kamay.

l Chamomile o Lavender Tea.

l Bawasan ang Kape.

l Sapat na Tulog.

l Regular na Ehersisyo.

l Medikal na Gamutan (kapag malubha).

Kung ang nerbyos ay nakakaapekto na sa iyong trabaho, pag-aaral, o pang-araw-araw na buhay, kumonsulta sa isang doktor o psychiatrist.

l Cognitive Behavioral Therapy (CBT): Isang uri ng talk therapy kung saan tutulungan ka ng eksperto na baguhin ang mga negatibong pattern ng pag-iisip para baguhin ang takbo ng isip na nagpapakaba sa iyo.

l Mga gamot sa nerbyos: Maaaring magreseta ang doktor ng anti-anxiety medications (gaya ng benzodiaze­pines para sa agarang lunas) o antidepressants (gaya ng SSRIs para sa pangmatagalang kontrol). Safe at magaganda na ang mga gamot ngayon.

PUSO

TIBOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with