^

Bansa

OCD: 32 patay, 8 milyon apektado ng habagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
OCD: 32 patay, 8 milyon apektado ng habagat
Residents wade through floodwaters along Zapote Junction in Las Piñas on August 29, 2026 morning, as the flooded road remains closed to vehicles.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umabot na sa 32 katao ang nasawi dahil sa matinding epekto ng southwest monsoon o habagat, na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslide sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado.

Batay sa update, naapektuhan na ang 2.3 mil­yong pamilya o kabuuang 8 milyong katao sa sampung rehiyon kabilang ang CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, NCR, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa tala ng OCD, 15 ang nasawi sa Benguet, tig-apat sa Rizal at Batangas, tig-dalawa sa Occidental Mindoro at Caloocan City, tig-isa sa La Union, Quezon, Oriental Mindoro at Negros Occidental, habang isa pa ang bineberipika. Karamihan ay biktima ng landslide, pagkalunod, rockslide, pagkakuryente at pagbagsak ng puno, dulot ng habagat at mga nagdaang bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Nasa 19 katao ang sugatan at tatlo ang nawawala mula sa Quezon City, Batangas at Manila. Sa kasalukuyan, 297 lugar ang nananatiling lubog sa baha, karamihan sa Central Luzon, habang 281 lugar ang nasa panganib dahil sa lumambot na lupa.

Umabot na sa P6.11 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at P2.32 bilyon sa agrikultura. Nakapamahagi na ang pamahalaan ng P1.65 bilyong ayuda, kabilang ang relief goods, sa mga naapektuhang pamilya.

CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with