Alex, Jordan nagkita sa New York

MANILA, Philippines — Nagkita sina Pinay tennis sensation Alex Eala at Fil-American guard Jordan Clarkson ng NBA champion New York Knicks bago ang US Open main draw sa Flushing Meadows, New York.
Pinag-usapan nina Eala, ang kauna-unahang Filipino WTA queen, at Clarkson, ang unang Fil-Am NBA champion, ang pagkatawan sa Pilipinas sa international stage sa isang video na ipinoste ng US Open, ESPNW at WTA Instagram pages kahapon.
“I wear my culture on my sleeve. I’m sure you can understand and it brings so many people together. It’s crazy that I’m meeting you,” sabi ng 21-anyos na si Eala sa 34-anyos na si Clarkson.
“And how people can connect through culture and just nostalgia. I think it’s a really powerful thing,” dagdag ng Pinay netter.
Napanalunan ni Eala ang kanyang kauna-unahang WTA Tour-level title sa Mubadala D.C. Open matapos talunin si American Jessica Pegula, 4-6, 6-4, 6-0, sa finals.
Hinirang naman si Clarkson bilang unang NBA player na may dugong Pinoy na nanalo ng NBA crown bilang miyembro ng Knicks na tumalo sa San Antonio Spurs sa NBA Finals noong Hunyo.
“You know when you got Filipino blood, you take the whole country with you, the whole pride and we’re everywhere,” wika ng 2021 NBA Sixth Man of the Year. awardee kay Eala.
Isinuot na ni Clarkson ang Gilas Pilipinas jersey sa 2018 Asian Games at sa 2023 FIBA World Cup sa Manila.
- Latest
























