^

PSN Palaro

Red Lions pahiya sa Blazers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Red Lions pahiya sa Blazers
Pinangunahan nina TV5 Chairman Manny V. Pa- ngilinan at PSC chief Patrick Gregorio ang makulay na opening ceremony ng NCAA Season 102 ka- hapon sa MOA Arena
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Raffy Celis ang isang two-handed dunk para selyuhan ang panalo ng Blazers at ipakita ang kanilang bagsik.

Ito ay sa kabila ng hindi paglalaro ni reigning MVP Allen Liwag dahil sa injury

Nagkadena si point guard Jhomel Ancheta ng 19 points, 4 rebounds at 3 assists para banderahan ang College of St. Benilde sa 77-68 paggupo sa nagdedepensang San Beda University sa pagbubukas ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Umentra ang Blazers sa win column sa Group A.

Bumira si rookie Aldous Torculas ng 19 points sa panig ng Red Lions na may 4-1 record laban sa Taft-based cagers sa nakaraang NCAA Season 101.

Kinuha ng San Beda ang 58-57 abante sa hu­ling tatlong minuto ng fourth quarter bago naghulog ang St. Benilde ng isang maikling 7-2 bomba para agawin ang 64-60 lead.

Ang salaksak ni Ancheta sa natitirang 31.9 segundo ang naglayo sa Blazers sa 72-66.

Huling naghamon ang Red Lions sa 68-72 mula sa basket ni RC Calimag sa nalalabing 25.2 segundo.

Nagtuwang naman sina Matthew Jucom, Irele Galas at Celis para tuluyan nang selyuhan ang panalo ng St. Benilde.

RAFFY CELIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with