^

Bansa

BOC kakasuhan PNP-HPG sa ‘smuggled yosi’ raid

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
BOC kakasuhan PNP-HPG sa ‘smuggled yosi’ raid
Bureau of Customs
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na magsasampa ang kawanihan ng kasong administratibo sa National Police Commission laban sa mga tauhan ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP–HPG) na nanita sa mga personnel ng BOC. Nangyari ang insidente noong Miyerkules sa isang condemnation facility sa Bulacan, habang pinangangasiwaan ng mga tauhan ng BOC ang pagsira sa mga nakumpiskang puslit na sigarilyo.

Ayon kay Nepomuceno, dito matutukoy kung may pagkakamali ang kaniyang mga tauhan, ngunit iginiit niyang tungkulin niyang suportahan at proteksiyunan sila kung tama ang kanilang trabaho.

“Kung mali pala ang aming mga tauhan, malalaman natin doon. Obligasyon ko na, kapag ang mga tauhan namin ay gumagawa ng maayos na trabaho, susuportahan ko sila at poproteksyunan nang sang-ayon sa batas,” ani Nepomuceno.

Dagdag pa niya, kung may pagkakasala ang kaniyang tauhan, siya mismo ang magpapaimbestiga, magsasampa ng kaso, at magpapatanggal sa kanila sa serbisyo.

Nabatid na pinatigil ng HPG officers ang mga BOC personnel, pina-frisk at pinataas ang kamay, kahit nakauniporme at may mission order ang mga ito. Paliwanag ni Nepomuceno, hindi tama ang ginawa ng HPG dahil malinaw na nasa tamang operasyon ang kaniyang tauhan.

May ulat na ang target umano ng HPG ay dalawang indibidwal na kilala sa alyas na “Alex” at “Joy” na nagbebenta ng kontrabando sa paligid ng pasilidad, ngunit nakatakas ang mga ito. Sa halip, ang mga BOC personnel ang nasita.

“Kung talagang ganoon ‘yung nangyari, huwag naman ‘yung kapwa nating kasama sa trabaho sa pamahalaan ang babastusin natin…Pare-pareho na­ting mahal ang bansa,” dagdag pa ng commissioner.

Matapos ang insidente, agad na ni-relieve sa puwesto ang mga naturang HPG officers noong Huwebes. Nanindigan si Nepomuceno na walang puwang ang “bastusan” sa kapwa lingkod-bayan.

BUREAU OF CUSTOMS

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with