^

Bansa

Financial services, pinalawak ng Gcash

Pilipino Star Ngayon

Maraming paraan ng pagbabayad, malaking oportunidad sa negosyo

Manila, Philippines — Pinalawak ng Gcash ngayong agosto ang community-based programs nito sa iba’t ibang lugar upang mailapit ang financial services, digital payments, security education at business support sa mas maraming Pilipino at negosyante.

Dahil dito ay naglunsad ang Gcash ng PalengQR sa Concepcion, Tarlac at tinulungan ang mga tindera sa pampublikong pamilihan na magsimulang tumanggap ng digital payments.

Para sa mga consumer, nagbibigay ito ng mas mabilis at maginhawang paraan sa pagbabayad. Sa mga vendor naman ay nagdudulot ito ng panibagong paraan para makapagbenta at makapaglingkod sa mga customer na tumatangkilik sa digital payments. Sa Cebu at Cavite, sinuportahan din ng GCash ang entrepreneurship at business education activity kasama ang Philippine Franchise Association at PCCI Cavite. Dahil dito ay nabigyan ang mga micro, small and medium enterprise (MSME) at aspiring entrepreneur ng access sa mga digital tool para sa payments, financing, marketing at iba pang business operations.

Pinalalawak pa ng GCash Pera Outlets ang access sa financial services sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga kwalipikadong sari-sari store at iba pang neighborhood business na mag-alok ng cash-in, cash-out at bills-payment services. Sa ganitong paraan, nakakakuha ang mga residente ng financial services sa mga tindahang malapit sa kanilang tahanan, habang nagkakaroon naman ng pagkakataon ang mga outlet partner na kumita ng karagdagang income mula sa mga kwalipikadong transaksyon. Layunin ng GCash na gawing accessible, madaling intindihin at ligtas gamitin ang mga serbisyong pinansiyal, habang tinutulungan ang mas maraming Pilipino at maliliit na negosyo na maging bahagi ng lumalawak na digital economy.

GCASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with