^

Punto Mo

Sibling Facts: Nag-aaway pero hindi naghihiwalay (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang isang kapatid ay maaaring maging “emotional reference point” ng isa pa. Habang lumalaki, maaaring maging unang taong pinagsasabihan ng problema, sikreto o personal na karanasan ang isang kapatid.

• May mga magkakapatid na nagkakaroon ng “shared language.” Dahil sa rami ng pinagsasaluhang karanasan, maaari silang magkaroon ng sariling jokes, expressions at mga memories na sila lamang ang lubos na nakauunawa.

• Mas madaling mapansin ng kapatid ang pagbabago sa mood ng isa pa. Dahil matagal na silang magkakilala, minsan ay napapansin nila ang maliit na pagbabago sa boses, kilos o facial expression kahit hindi nagsasalita ang kapatid.

• Ang childhood roles ay maaaring madala hanggang adulthood. Ang dating “responsableng panganay,” “makulit na bunso” o “tagapamagitan” ay maaaring manatiling ganoon ang role kahit nasa hustong gulang na.

• Hindi ibig sabihin ng madalas na away na mahina ang sibling bond. Ang conflict ay bahagi ng maraming close relationships. Mas mahalaga kung paano nila inaayos ang problema pagkatapos ng away.

• Ang pagkakaroon ng kapatid ay maaaring makatulong sa development ng empathy. Dahil palagi silang nakikitungo saa taong may ibang emosyon at pangangailangan, nagkakaroon sila ng maraming pagkakataong matutong umunawa sa iba.

• Minsan, mas malakas ang pressure mula sa kapatid kaysa sa magulang. Tinatawag itong sibling influence. Maaaring maimpluwensiyahan ng magkakapatid ang pananamit, hobbies, pananalita, barkada at maging mga desisyon ng isa’t isa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with